Re-enacted budget pirmado na ng Pangulo
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang resolusyon para sa validity ng re-enacted budget nitong Disyembre 28.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, nitong Disyembre 28 pinirmahan ng Pangulo ang resolusyon ng Senado at Kamara para sa re-enacted budget matapos mabigong maipasa ang proposed 2019 national budget.
Nabigong maipasa ng Senado at Kamara ang proposed 2019 national budget bago magbakasyon ang Kongreso nitong Disyembre at hindi na nagpatawag ng special session ang Pangulo upang maihabol na aprubahan ng Kongreso ang 2019 budget.
Nabalam ang pag-aprub ng national budget sa Kamara sa kabila na maagang naisumite ito ng Malacañang sa mismong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong Hulyo.
- Latest