^

Bansa

236 na ang naputukan sa bagong taon – DOH

Pilipino Star Ngayon
236 na ang naputukan  sa bagong taon � DOH

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ng 98 ang bilang ng mga biktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon kahit lumipas na ang kasagsagan ng putukan.

Ayon sa Department of Health (DoH), aabot na ngayon sa 236 ang bilang ng mga biktima ng paputok mula sa 139.

Pero ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mas mababa pa rin ng 52 percent ang mga naputukan noong 2018 kumpara sa naitalang kaso noong 2017 at 71 percent ding mas mababa sa limang taong average period.

Pinakamarami pa rin sa mga naitalang bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region (NCR) na may 35.

Sinusundan ito ng 22 bagong kaso ng naputukan sa Region 1, 13 sa Region 6, anim sa Region 7, lima sa Region 4-A, apat sa Region 3 at tig-tatlo naman sa Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Region 5.

May tig-2 kaso naman ng nasabugan ang naitala sa Regions 4-B at Region 12 at tig-1 sa Region 2, Region 9 at Region 11.

Pinakamarami pa rin sa mga naputukan ay biktima ng kwitis na may 55 kaso; luses, 20; piccolo, 19; boga, 18 at 5-star na may 14 biktima.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRECRACKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with