^

Bansa

Droga, kriminalidad susugpuin ngayong 2019 - Digong

James Relativo - Philstar.com
Droga, kriminalidad susugpuin ngayong 2019 - Digong
Sa kanyang New Year's message, inengganyo niya ang bawat Pilipino na makipagtulungan sa gobyerno para tuluyang mapigil ito.
The STAR/KJ Rosales/File

MANILA, Philippines — Muling naging bukambibig ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra iligal na droga sa pagbungad ng taong 2019.

Sa kanyang New Year's message, inengganyo niya ang bawat Pilipino na makipagtulungan sa gobyerno para tuluyang mapigil ito.

"Let us all work hand in hand to defeat the ills of drugs, criminality, and corruption that stunt our development (Nawa'y magkapitbisig tayo para puksain ang droga, kriminalidad, at korapsyon na balakid sa ating pag-unlad," ayon sa pangulo.

Dagdag niya, walang duda na malalampasan ng sambayang Pilipino ang mga hamon sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagiging makabayan.

"Together, let us face all obstacles head on, armed with the knowledge and brimming with hope that we can triumph over any struggles that we may face as a nation (Sama-sama nating harapin ang mga problema, na may pag-asang maiigpawan ang mga laban ng bayan)," dagdag niya.

Humarap sa pagbatikos ang administrasyon sa una nitong tatlong taon sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang, Oplan Double Barrel, at Oplan Double Barrel Reloaded na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libo sa anti-drug operations.

Hindi naman naging ligtas si Digong sa kritisismo sa ginawang pagbati ni Sen. Leila De Lima mula sa Camp Crame.

Aniya, may dugo sa kamay ang pangulo sa bawat taong namatay at papatayin sa kanyang madugong kampanya.

"Kakila-kilabot ang kapalaran ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng isang taong palalo na, wala pa sa katinuan," ayon sa senadora.

"Kung tatapusin ko ang taon sa ganitong paraan - sa galit at pagkundena - sigurado akong maiintindihan ito ng tao," ani De Lima sa wikang Ingles.

Nanawagan din ang senadora, lalo na sa kabataan, na pangunahan ang laban para para sa hustisya at karapatang pantao.

"Higit kanino man, malaking papel ang gagampanan niyo [kabataan] para mabago ang landas na tinatahak ng ating bansa ngayon," kanyang panapos.

Itinatwa rin ng senadora sa kanyang New year greeting ang pag-amin ng pangulo kaugnay ng pangmomolestya sa kanilang kasambahay.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

LEILA DE LIMA

NEW YEAR

OPLAN TOKHANG

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with