SWS: 3 sa 4 na Pinoy naniniwala na ‘It’s better to give than to receive’
MANILA, Philippines — Tatlo sa apat na Pilipino ang naniniwala sa kasabihan ngayong Christmas season na “It is better to give than to receive.”
Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Disyembre 16 hanggang 19, natukoy na 74 percent ng mga Pilipino ang nagsasabi na mas mainam na magbigay ng regalo ngayong panahon ng kapaskuhan, at 22 percent naman ang nagsabing mas mabuti kung makatanggap sila ng regalo.
Pero binigyan diin ng SWS na mababa ang bagong record na ito ng pitong puntos kumpara sa record-high 81 percent noong 2017.
“The 7-point decline in the nationwide preference for giving from 2017 to 2018 was due to decreases of 16 points in the Visayas, 8 points in Balance Luzon, and 1 point in Metro Manila, combined with a 3-point increase in Mindanao,” sabi ng SWS.
- Latest