^

Bansa

Presyo ng petrolyo sa 2018 mas mataas pa rin kumpara noong 2017

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng petrolyo sa 2018 mas  mataas pa rin kumpara noong 2017

MANILA, Philippines — Sa kabila ng magkakasunod na rolbak nitong mga huling buwan, lumalabas na mas mataas pa rin ang presyo ng gasolina at diesel ngayong pagtatapos ng taong 2018 kumpara noong katapusan ng 2017.

Sa datos buhat sa mga oil experts, mas mataas ng P.47 sentimos ang kada litro ng gasolina ngayong taon kaysa noong 2017. 

Nabatid na nagkaroon ng 31 beses na pagtataas sa gasolina na umabot ng P21.57 habang nagkaroon lamang ng 21 rolbak na may halagang P21.10 kada litro.

Mas mataas naman ng P1.50 ang kada litro ng diesel ngayong 2018 kumpara noong 2017 dahil sa 30 beses na pagtataas na umabot sa halagang P22.30 kada litro kumpara ?sa 23 beses na ibinaba nito sa halagang P20.80 kada litro lamang.

Samantala, mas bumaba naman ng P.29 sentimos kada litro ang halaga ng kerosene dahil ?sa 23 beses na rollback na may halagang P21.37 kada litro kumpara sa 30 beses na price hike na P21.08 kada litro.

Kabilang na sa komputasyong ito ang excise tax sa petrolyo na ipinatupad noong Enero 2018.

Samantala, humabol sa rolbak ang kumpanyang Jetti Petroleum na nagbaba ng presyo ng kanilang produkto kahapon ng umaga. Nasa P1.80 sa kada litro ng diesel at P1.30 sa gasolina ang itinapyas ng naturang kumpanya.

Sa darating na Bagong Taon (?Enero 1), nagpahayag ang Pilipinas Shell ngP1.30 rolbak sa kada litro ng diesel, P1.85 sa gasolina at P1.90 sa kerosene.

vuukle comment

DIESEL

OIL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with