Signal No. 1 nakataas sa 27 na lugar
MANILA, Philippines — Posibleng lumakas at maging ganap na tropical storm ang Tropical Depression Usman bago tumama sa kalupaan ng Eastern Samar mamayang gabi.
Nananatili ang sama ng panahon sa itinatayang direksyon nito ayon sa PAGASA sa kanilang 8 a.m. severe weather bulletin.
Namataan ang mata ng bagyo 250 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Meron itong lakas na 55 kph malapit sa gitna at pabugso-bugsong hangin na 65 kph. Gumagalaw naman ito sa bilis na 10 kph sa direksyon na kanluran-hilagangkanluran.
Ibinabala ng PAGASA ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Bicol, Visayas, probinsya ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Quezon bunsod ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.
Itinaas naman ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Luzon
- Northern Palawan including Calamian Group of Islands
- Camarines Norte
- Southern Quezon
- Marinduque
- Romblon
- Catanduanes
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Masbate including Ticao and Burias Islands
- Southern Occidental Mindoro
- Southern Oriental Mindoro
- Cuyo
Visayas
- Eastern Samar
- Northern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Northern Cebu including Camotes Islands
- Aklan
- Capiz
- Iloilo
- Guimaras
- Antique
- Northern Negros Occidental
Mindanao
- Dinagat Island
Pinayuhan naman ang mga mangingisda't mga mayroon maliliit na sasakyang pandagat na huwag maglayag sa mga seaboards na nasa ilalim ng Signal No. 1, seaboards ng hilagang Luzon, eastern seaboards ng gitna at timog Luzon, at eastern seaboard ng Surigao Provinces dahil sa paparating na tropical depression at surge ng Hanging Amihan.
Inaasahang makakalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa pagitan ng Linggo ng gabi at Lunes ng umaga.
- Latest