^

Bansa

'Usman' posibleng maging tropical storm sa Biyernes

Philstar.com
'Usman' posibleng maging tropical storm sa Biyernes
Nasa 795 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao, del Sur ang mata ng sama ng panahon kaninang 3 a.m.
Facebook/PAGASA

MANILA, Philippines — Posibleng lumakas pa ang Tropical Depression Usman at maging tropical storm bago tumama sa kalupaan ng Eastern Samar sa Biyernes.

Kumikilos ngayon ang sama ng panahon pahilagang-kanluran sa bilis na 20kph at maaaring tumawid sa hilagang bahagi ng Leyte, Cebu, Isla ng Panay, Sulu Sea, at Palawan pagkatapos mag-landfall ayon sa forecast ng PAGASA.

Inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na ulan sa Silangang Visayas at Kabikulan bukas at sa Biyernes.

Gayunman, tinitignan ang paghina ng bagyo sa pagtawid nito sa Kabisayaan at muling lalakas paglabas ng West Philippine Sea. 

Nasa 795 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao, del Sur ang mata ng sama ng panahon kaninang 3 a.m. 

Napanatili ng bagyong "Usman" ang lakas nito sa 45 kph na may pabugso-busgong hangin na 60 kph.

Storm signal ngayong araw

Ayon sa PAGASA, maaaring itaas ang Signal No. 1 sa Silangang Visayas at hilagang Caraga sa Miyerkules.

Posibleng maapektuhan nito ang paglalayag sa mga naturang lugar.

Tinatayang lalabas ang tropical depression sa Lunes, ika-31 ng Disyembre. 

vuukle comment

BAGYO

PAGASA

USMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with