^

Bansa

Pagdiriwang ng Pasko payapa - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagdiriwang ng Pasko payapa - PNP
Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde, bagaman nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa Caloocan City at indiscriminate firing sa Pangasinan ay isolated case lamang ito at naging maayos naman ang selebrasyon ng pasko.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Generally peaceful ang pagdiriwang kahapon ng kapaskuhan sa buong bansa.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde, bagaman nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa Caloocan City at indiscriminate firing sa Pangasinan ay isolated case lamang ito at naging maayos naman ang selebrasyon ng pasko.

Una nang isinailalim sa full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong puwersa nito sa Metro Manila at sumunod naman ang iba pang Police Regional Offices upang tiyakin na magiging Malaki anya ang naitulong ng pagpapakalat ng mga patrol cars ng PNP sa Metro Manila bukod pa sa deployment ng  mga pulis bilang bahagi ng pagpapaigting ng police visibility sa mga lugar na dinarayo ng mga tao sa tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Kabilang dito ang mga Simbahang Katoliko, pook pasyalan, malls at iba pa gayundin ang mga pampublikong terminal.

Samantala wala ring bakasyon ang mga pulis para matiyak na maipapatupad ng maayos ang seguridad.?Hindi na rin magpapatupad ang PNP ng pagbubusal ng mga baril para lamang matiyak na hindi ito magagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Muli namang binalaan ni Albayalde ang mga opisyal at tauhan ng PNP na huwag masasangkot sa indiscriminate firing upang maiwasang makapambiktima ng mga inosenteng sibilyan.

Sinumang pulis na magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa taong 2019 ay sisibakin sa puwesto at posibleng matanggal sa serbisyo.

 

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with