^

Bansa

IBP sa SC: Probe sa kaso ng mga abogado madaliin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
IBP sa SC: Probe sa kaso ng mga abogado madaliin
Lumagda ng petisyon ang halos 100 miyembro ng IBP na kumakalampag sa Kataas-taasang Hukuman para aksyunan ng patas ang nakababahala umanong insidente ng pagpatay sa mga abogado.
APWLD

MANILA, Philippines — Pinamamadali ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema ang imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay sa mga abogado sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ito ay kasunod pa rin ng ambush na ikinasawi ni Rep. Rodel Batocabe ng Ako Bicol Party-list.

Lumagda ng petisyon ang halos 100 miyembro ng IBP na kumakalampag sa Kataas-taasang Hukuman para aksyunan ng patas ang nakababahala umanong insidente ng pagpatay sa mga abogado.

Kung maaalala, nasawi rin kamakailan ang abogado ng Sagay massacre na si Atty. Benjamin Ramos.

Habang nakaligtas sa pananambang ang isang Atty. Erfe del Castillo sa Negros Oriental.

Sa datos ng National Union of People’s Lawyers, ika-35 na si Batocabe sa mga abogadong napatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

vuukle comment

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with