^

Bansa

Libu-libo namasko kay Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Libu-libo namasko kay Digong
Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), uma­bot na raw sa halos isang kilometro ang pila ng mga gustong makatanggap ng aginaldo mula kay Pangulong Duterte.
File

Pila halos 1 kilometro

MANILA, Philippines — Umabot sa 90,000 katao ang pumila at namasko kay Pangulong Du­terte sa ancestral house nito sa Central Park subdivision, Davao City.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), uma­bot na raw sa halos isang kilometro ang pila ng mga gustong makatanggap ng aginaldo mula kay Pangulong Duterte.

Tiniyak naman ng DCPO ang kaayusan sa pamimigay ng pamasko kahit may ilang nahilo habang nakapila.

Ito’y kahit na may naiulat na matandang babae na naipit nang matumba ang pangharang dahil sa pagtutulakan ng mga tao.

Katunayan ay naglagay sila ng registration area sa Mount Matutum St. sa loob ng nasabing subidivision.

Nagpatupad na rin daw sila ng sistema at ni­lalagyan nila ng inde­lible ink ang hintuturo ng mga nakatanggap na ng pamasko upang maiwasang bumalik pa sa pila.

Ang pamimigay ng regalo ay nakagawian na ng pamilya Duterte para sa Kapaskuhan.

Nagdiwang ng Pasko ang Pangulo kasama ang pamilya nito sa Davao City. (Rho­derick Beñez)

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with