^

Bansa

Pinas out na sa top 5 deadliest countries for media

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pinas out na sa top 5 deadliest countries for media
Sa inilabas na annual report ng media freedom organization na Reporters Without Boarders, kabilang sa top 5 ang Afghanistan, Syria, Mexico, India at ang America.

MANILA, Philippines — Hindi na kabilang ang Pilipinas sa top 5 deadliest countries para sa mga media ngayong 2018.

Sa inilabas na annual report ng media freedom organization na Reporters Without Boarders, kabilang sa top 5 ang Afghanistan, Syria, Mexico, India at ang America.

Base sa report ng RSF, natanggal na ang Pilipinas sa listahan ng deadliest countries  dahil 3 lamang ang naitalang mamamahayag na napaslang nga­yong taon kabilang dito sina  Joey Llana ng DWZR Radio sa Albay noong ?July 20; Dennis Denora ng Trends and Times mula sa Panabo City noong ?June 7 at Edmund Sestoso ng DYGB sa Dumaguete noong ?May 1.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na malaking tulong dito ang binuong Presidential Task Force on Media Security ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng  Administrative Order 1.

Binigyang-diin ni Andanar na magpapatuloy ang PCOO at ang pamahalaan sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa sa ngalan ng press freedom at ang karapatan ng bawat mediaman  na vulnerable sa mga banta sa kanilang buhay dahil sa kanilang trabaho.

Samantala, ayon naman kay USEC. Joel Egco ng PTFoMS, ang pagkakaalis sa Pilipinas sa top 5 deadliest countries ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng task force  na matupad ang mandato nitong protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng media workers.

Matatandaan na kauupo pa lamang ni Pangulong Duterte sa puwesto noong 2016 nang lagdaan nito ang AO#1 para ma­bigyan ng proteksyon ang mga mamamahayag sa bansa.

vuukle comment

MARTIN ANDANAR

REPORTERS WITHOUT BOARDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with