^

Bansa

Bawal na mga paputok pinababantayan sa PNP, LGUs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bawal na mga paputok pinababantayan sa PNP, LGUs
“Upang maiwasan ang anumang sakuna o sunog na dulot ng paputok, kailangang ipatupad ng mga LGUs ang kautusan laban sa paggamit ng paputok,” pahayag ni Año.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng paggamit ng ipinagbabawal na paputok, inatasan kahapon ni DILG Sec. Eduardo Año ang lahat ng Local Government Units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na manatiling vigilante at ipatupad ang mahigpit na regulasyon laban sa paggamit ng mga delikadong paputok sa panahon ng kapaskuhan.

“Upang maiwasan ang anumang sakuna o sunog na dulot ng paputok, kailangang ipatupad ng mga LGUs ang kautusan laban sa paggamit ng paputok,” pahayag ni Año.

Partikular na pinatututukan ang watusi, piccolo, super lolo, atomic triangle, large Judas belt, large bawang, pillbox, bosa, Goodbye Philippines, Bin Laden, mother rocket, lolo thunder, coke in can, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb at kabasi.

Binigyang diin ni Año na target nila na mabawasan ang mga biktima ng bawal na paputok ngayong taon.

Sa ilalim ng Republic Act 7183, ang PNP ang magdedetermina sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic devices at magpalabas ng regulas­yon at patakaran sa pagkontrol sa paggamit nito.

Samantala, mga Local Chief Executives partikular na ang mga alkalde naman ang awtorisadong magpatupad ng regulas­yon laban sa mga paputok at iba pang pyrotechnic devices sa mga lugar na kanilang hurisdiksyon.

Alinsunod naman sa Executive Order 28 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, ang paggamit ng mga fireworks ay para lamang sa ‘community fireworks display’.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with