^

Bansa

Arms smuggling iniimbestigahan na ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Arms smuggling iniimbestigahan na ng AFP
Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Col. Noel Detoyato, iniimbestigahan na nila ang ‘supply room at stocks’ sa bawat himpilan ng militar upang ma-trace kung saan nanggaling ang mga nasabat na bala.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na ng inventory ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para matukoy kung may opisyal at sundalo na sangkot sa pagpupuslit ng mga bala at armas na nakumpiska sa mag-asawang umano’y big time gun runner na naaresto sa Valenzuela City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Col. Noel Detoyato, iniimbestigahan na nila ang ‘supply room at stocks’ sa bawat himpilan ng militar upang ma-trace kung saan nanggaling ang mga nasabat na bala. 

Aminado naman si Detoyato na posibleng may mga naghuhudas na sundalo na maaring nasa likod ng pagpupuslit ng mga armas sa arsenal ng AFP at napupunta ito sa mga gunrunners at illegal arms suppliers.

Una nang naaresto ang mag-asawang Edgardo at Rosemarie Medel at nasamsam sa mga ito ang ilang kahon ng armas at bala na may AFP markings na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Ang nasabing mga armas ay naipuslit umano mula sa kampo ng militar sa Nueva Ecija.

Tiniyak naman ni Phi­lippine Army spokesman Col. Louie Villanueva na mananagot ang sinuman sa mga sundalong mapatunayang sangkot sa pagbebenta ng mga bala at armas na pag-aari ng AFP.

Kanila na aniyang tini-trace sa mga lot number na nakita para matukoy kung saan unit ng Army nanggaling ang mga nasabat na bala.

vuukle comment

GUN SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with