^

Bansa

Walang special treatment kay Faeldon Jr.

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Walang special treatment kay Faeldon Jr.
Ayon kay Albayalde, walang special treatment o ano pa man sa anak ni Faeldon at hindi rin umano tumatawag sa kanya ang director para humingi ng pabor para sa anak.

MANILA, Philippines — Siniguro ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde na walang special treatment sa anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na nahuli sa isang umano’y drug den sa Naga City.

Ayon kay Albayalde, walang special treatment o ano pa man sa anak ni Faeldon at hindi rin umano tumatawag sa kanya ang director para humingi ng pabor para sa anak.

Malinaw naman umano ang sinabi ni Director General Faeldon na kung talagang may kasalanan ang anak ay hindi niya ito ito-tolerate kaya malinaw na assurance na umano ito sa kanila.

Nitong Biyernes ay naaresto si Nicanor Faeldon Jr. matapos na bumi­sita sa isang umano’y drug den sa Barangay Mabolo, Naga City.

Naniniwala naman si Albayalde na ang pagi­ging negatibo sa droga ay nangangahulugan na rin na hindi sangkot sa bentahan ng droga tulad ni Faeldon Jr. na nag-negatibo sa drug test.

Sa kabila nito, tulad din umano ng ibang drug suspect, dapat pa rin bigyan ng due process si Faeldon Jr. at bahala na silang magpatunay sa korte kung talagang inosente sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with