^

Bansa

Unang Simbang Gabi generally peaceful - NCRPO

Doris Franche, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Unang Simbang Gabi generally peaceful - NCRPO
Dinagsa ng mga deboto ang unang araw ng Simbang Gabi sa St. Joseph Parish church sa Las Piñas kahapon ng madaling araw na sa pangkalahatan ay naging payapa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Generally peaceful ang unang Simbang Gabi sa Metro Manila na nagsimula kahapon ng mada­ling araw.

Sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni National Capital Regional Police Office Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na pinagbatayan niya ang naging ulat sa kaniya ng iba’t ibang police districts na walang naitalang mga untoward incidents sa kanilang nasasakupan.

Personal na nag-ikot at nagsagawa ng inspection kahapon ng madaling araw si Eleazar sa iba’t ibang simbahan gaya ng Quiapo, Sta Cruz, Binondo at Manila Cathedral.

Tiniyak naman ni Elea­zar na magpapatuloy pa rin ang kanilang police visibility hindi lamang sa mga simbahan kundi ma­ging sa mga kalye upang matiyak na ligtas ang mga dadalo sa Simbang Gabi.

Bagamat walang namomonitor na banta sa seguridad ang NCRPO, hinimok ni Eleazar ang publiko na maging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran.

Nasa heightened alert status ngayon ang NCRPO, bilang bahagi ng Ligtas Paskuhan 2018 ng PNP.

vuukle comment

SIMBANG GABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with