^

Bansa

Dahil walang goli si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa pong problema ang gusto kong isangguni sa inyo. Tawagin n’yo na lang akong Martha, 27 anyos.

Ito’y tungkol sa mister ko na  nagtatrabaho bilang mekaniko sa isang auto service center. Mabigat ang ginagawa niyang trabaho at kapag umuwi ay pagod na pagod at amo’y pawis. Hindi naman siya puwedeng maligo.

Dahil diyan ay nagkukulang siya sa kanyang marital obligation sa akin. Wala naman siyang bisyo at hindi babaero. ‘Yun lang ang tanging problema namin. Pati ibang personal hygiene niya gaya nang pagsisipilyo ay hindi na niya magawa bago matulog.

Hindi naman siya dating tamad sa kalinisan ng katawan. Ang sinasabi niya baka siya mapasma. Paano ko po sasabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na ito na hindi siya mao-offend?

Martha

Dear Martha,

Maaari ngang patang-pata na ang katawan niya dahil sa loob marahil nang mahabang panahon ay ‘yun na ang ginagampanan niyang gawain.

Pero tama ka. Hindi katuwiran iyan para magpabaya siya sa kalinisan ng katawan.  Walang ibang makakapagsabi ng personal na bagay sa mag-asawa, kundi ang bawat isa.

Maaari mo naman na daanin sa lambing, timing lang ang mahalaga.

Subukan mo rin na yayain siyang sabay kayong maligo ng maligamgam na tubig para naman hindi niya alalahanin ang pagkapasma.

Sakaling wala siyang pasok, ngayong noche buena, i-set up mo na ang lahat ng maaga para habang wala pang bisita ay makapag-bonding na kayong mag-asawa.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with