^

Bansa

Anak ni Faeldon huli sa droga

Joy Cantos, Jorge Hallare, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Faeldon huli sa droga

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang anak na lalaki ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon Sr. at tatlong iba pa sa isang anti-drug raid sa Naga City, Camarines Sur kahapon.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Nicanor Faeldon Jr., 32 anyos, college student; Russel Bermudo Lanuzo alyas Bubbles, negos­yante; Allan Valdez, 44  at Manuel Nebres, 39. Sa report ni Sr. Supt. Felix Servita, hepe ng Naga City Police, bandang alas-5 ng umaga sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Drug Enforcement Unit (DEU), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at 9th Military Intelligence Battalion (MIB) ng Army’s 9th Infantry Division (ID) ang bahay ng negosyanteng si Russel Bermudo Lanuzo alyas Bubbles sa Brgy. Mabolo, Naga City

Sinabi ni Servita na si Lanuzo ang pakay ng kanilang operasyon kung saan nagsisilbi umanong drug den ang bahay nito.

Bukod kina Lanuzo at Faeldon Jr., naaresto rin sina Allan Valdez, 44 at Manuel Nebres, 39.

Nakumpiska sa ope­rasyon ang pitong transparent sachet ng shabu mula kay Lanuzo habang limang gramo naman ng droga kay Buenavente at isang cal 22 pistol.

Nasa 15 gramo naman ng shabu ang nakuha mula kay Salcedo.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Faeldon Jr., ay bumisita lamang sa kaniyang girlfriend na anak ni Lanuzo. 

Nakatakda namang isalang sa drug test ang anak ng BuCor chief.

Samantala, tiniyak ni BuCor Director Nicanor Faeldon na sakaling mapatunayang sangkot sa droga ang kaniyang anak ay handa siyang magbitiw sa pwesto bilang BuCor chief.

Kahapon ay nag-file ng leave si Faeldon at hinihintay na lamang niya ang desisyon ng kanyang superior, ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa isinumite niyang leave.

“I will kill that idiot kung involve siya,” ani   Faeldon.

Wala namang balak si Faeldon na kausapin ang anak o makialam pa sa kaso.

“He is a working student, nagsusumikap yung bata. As far as I’m concerned yun ang alam ko nag-aaral sila doong mag-asawa. But if he is not involve, let him be. Kawawa naman yung bata nagsusumikap itaguyod sarili,” dagdag ni Faeldon.

Hiling din ng nasabing BuCor chief, na  huwag naman aniyang pagpiyestahan ang insidente.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Anti- Illegal Drugs Act) ang mga suspek at patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

NICANOR FAELDON JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with