^

Bansa

Balangiga Bells dapat i-tour – Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Balangiga Bells dapat i-tour � Poe
Ginawa ni Poe ang pahayag matapos tablahin ng Simbahan ang resolusyon ni Sen. Juan Miguel Zubiri na humihikayat na ilagay sa National Museum ang isa sa mga kampana.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Matapos tumanggi ang Diocese ng Borongan sa Eastern Samar na ipahi­ram at ilagak sa Natio­nal Museum kahit isa sa tatlong Balangiga Bells, iginiit ni Sen. Grace Poe na dapat i-share naman ito ng Simbahang Katolika sa pamamagitan ng tour upang makita ng mas maraming Filipino.

Ginawa ni Poe ang pahayag matapos tablahin ng Simbahan ang resolusyon ni Sen. Juan Miguel Zubiri na humihikayat na ilagay sa National Museum ang isa sa mga kampana. 

Ayon kay Poe, wala naman siyang nakikitang masama sa layunin ni Zubiri dahil hindi naman lahat ng mga mamamayan ay makakapunta sa Borongan, Eastern Samar.

Ipinaalala rin ni Poe na ang Kristiyanismo at pagiging Katoliko ay tungkol sa pagbabahagi kaya maaring ipahiram ang isa sa mga kampana sa pamamagitan ng “tour” o pag-iikot nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pero suportado rin ni Poe na ilagak sa Borongan ang tatlong kampana dahil bahagi ito ng kasaysayan ng nasabing lugar.

vuukle comment

BALANGIGA BELLS

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with