^

Bansa

One-stop-shop sa OFWs panukala ni Bong Go

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
One-stop-shop sa OFWs panukala ni Bong Go
Ayon kay Go, bagamat may mga ahensiyang may kanya-kanyang ibinibigay na serbisyo sa OFWs, may pagkakataong nahihirapan at nabibigyang kalituhan pa rin ang ilan sa ating mga bagong bayani kapag sila ay nangangailangan ng gabay at assistance.

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang pagsisiuwian ng mga kababayan nating overseas Filipino workers ngayong Kapaskuhan, sinabi ni Special Assistant to the People Christopher Lawrence “Bong” Go na kailangan nang lumikha ng isang departamento na kagyat na tutugon sa mga problema ng OFWs.

Ayon kay Go, bagamat may mga ahensiyang may kanya-kanyang ibinibigay na serbisyo sa OFWs, may pagkakataong nahihirapan at nabibigyang kalituhan pa rin ang ilan sa ating mga bagong bayani kapag sila ay nangangailangan ng gabay at assistance.

“Hindi nila alam kung saan sila lalapit o sino ang tatawagan nila, katulad na lamang kung sa DFA ba sila lalapit o lalapit ba sila sa POEA, sa OWWA o sa DOLE,” dagdag niya.

Kaya ang resulta, paliwanag ni Go, dumarami tuloy ang distressed OFW na inilalabas na lang ang kanilang mga himutok at suliranin sa pamamagitan ng Facebook at iba pang social media platforms dahil nga nalilito kung aling ahensiya o sino ang kanilang hihingan ng tulong.

“Kapag mayroon na po tayong Department of OFW, iisa na lamang ang lalapitan nila at ito na po ‘yung makikipag coordinate sa Embassy, coordinate sa OWWA, sa POEA kung illegal recruiter po ang kumuha sa kanila at tsaka may sariling budget din ang DFA para sa pagpapauwi,” sabi ni Kuya Bong Go, tatakbong senator sa 2019 elections.

Ayon kay Kuya Bong, ang paglikha ng departamento para sa OFW ay bahagi ng kanyang legislative priorities na kanyang isusulong kapag siya’y nahalal sa Senado.

Katulad aniya ito ng Malasakit Center na siya mismo ang nakaisip ng konsepto. Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan naroon na ang mga ahensiya ng DOH, DSWD, PAGCOR at PCSO upang madaling lapitan ng mga mahihirap na pasyente na nanga­ngailangan ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with