^

Bansa

Tulong, ‘di Martial Law sa Mindanao

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tulong, �di Martial Law sa Mindanao
“Hindi kailangan ng Martial Law. Ang kaila­ngan lang ay leadership at political will. Naging diskusyon na ‘yan sa AFP - na itong pagkakaroon ng good governance, peace and order, at rehabilitation, hindi na kailangan ng Martial Law. Ang kailangan ay gawin ng mga ahensya ang mga trabaho nila. Iyon ang kailangan ngayon,” sabi ni Aquino.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi Martial Law kundi tulong na maka-recover ang mga mamamayang naapektuhan ng gulo ang dapat na ibigay.

Ito ang winika ni Sen. Bam Aquino makaraang muling palawigin ang Batas Militar ng isa pang taon sa nasabing rehiyon.

“Hindi kailangan ng Martial Law. Ang kaila­ngan lang ay leadership at political will. Naging diskusyon na ‘yan sa AFP - na itong pagkakaroon ng good governance, peace and order, at rehabilitation, hindi na kailangan ng Martial Law. Ang kailangan ay gawin ng mga ahensya ang mga trabaho nila. Iyon ang kailangan ngayon,” sabi ni Aquino.

“Ngayon, ang tanong ay ‘yung paggamit ng kapangyarihan na ito. Ito ba ay kinakailangan pa o hindi na? Kasi ang tingin namin, kaya naman nila gawin ang trabaho nila kahit walang Martial Law,” paliwanag pa ni Aquino.

Noong binuo umano ang Konstitusyon, ang Martial Law ay tinatawag lang kapag talagang grabe umano ang sitwasyon, ayon pa sa senador.

Kaya ngayon umanong humupa na ang mga isyu at masasabing successful ang operasyon ay dapat na umano itong tanggalin.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with