^

Bansa

2019 nat’l budget malabo na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2019 nat�l budget malabo na
Ayon kay Senate Pre­sident Vicente Sotto III, wala ng sapat na oras para sa pagpapasok ng amendments at pagsasagawa ng bicameral conference committee kaya tiyak sa Enero na maipapasa ang pambansang pondo.
Geremy Pintolo

Kahit mag-special session

MANILA, Philippines — Malabo ng pumasa ang panukalang P3.757 trilyon national budget para sa susunod na taon kahit pa hilingin ni Pangulong Duterte na magkaroon ng special session ang Kongreso.

Ayon kay Senate Pre­sident Vicente Sotto III, wala ng sapat na oras para sa pagpapasok ng amendments at pagsasagawa ng bicameral conference committee kaya tiyak sa Enero na maipapasa ang pambansang pondo.

Aminado naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi maaaring tumanggi ang mga mambabatas sakaling hilingin ng Pangulo na magkaroon ng special session.

Pero nilinaw ni Drilon na kahit pa magkaroon ng special session, nasa kapasyahan pa rin ng Senado kung maipapasa ang panukalang pambansang budget ngayong Disyembre.

Nauna rito, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na irerekomenda nila sa Pangulo na magpatawag ng special session para sa budget.

Dagdag ni Drilon, ang napagkasunduan ng majority at minority sa Senado ay huwag madaliin ang pagpasa ng budget.

Hindi rin aniya maisisi sa Senado kung hindi ito maipapasa bago matapos ang taon dahil sa House of Representatives nagkaroon ng delay.

Nakatakdang mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa Disyembre 15 at muling magbabalik sa Enero 14.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

VICENTE SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with