^

Bansa

Cha-Cha aprub sa Kamara!

Pilipino Star Ngayon
Cha-Cha aprub sa Kamara!
Sa botong 224 Yes, 22 No at 3 Abstain ay lumusot ang Resolution of Both Houses (RBH) 15 na naglalayong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang draft federal constitution o Charter Change (Cha-cha).

Sa botong 224 Yes, 22 No at 3 Abstain ay lumusot ang Resolution of Both Houses (RBH) 15 na naglalayong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution.

Sa ilalim ng Saligang Batas, 3/4 ang kailangan para maamyendahan ang 1987 Constitution o 220 ng kabuuang miyembro ng Kamara ang dapat pumabor.

Base sa ilalim ng draft federal constitution, magiging apat na taon na ang isang termino ng mga halal na opisyal kabilang ang kongresista, senador, pangalawang pangulo at presidente.

Ang pangulo ay maa­ring muling iboto sa ikalawang termino habang aalisin naman ang term-limit ng iba pang opisyal.

Nakasaad din dito na kailangang college graduate ang mga tatakbo sa pagka-kongresita, senador, bise presidente at pagkapangulo.

Habang ang running mate naman ng mananalong pangulo ang awtomatikong magiging bise presidente.

Magiging 2-party system na rin ang political party at mananatili ang presidential form ng gobyerno.

Subalit ang Kongreso ang magpapasya sa pagbuo ng Federal States.

Ang Mababang Kapulungan naman ay bubuuin ng hindi bababa sa 300 mga kinatawan.

Nakasaad din dito, na mananatiling ihahalal ng mga botante sa buong bansa ang mga senador katulad ng sa partylist.

Inalis naman sa ina­prubahang panukala ang pagbabawal sa political dynasty.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with