^

Bansa

Kongreso may joint session ngayon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kongreso may joint session ngayon
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drion, inaasahang abutin ng buong maghapon ang joint session kaya apek­tado ang pagtalakay ng Senado sa panukalang pambansang budget para sa 2019.
AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng joint session ngayong umaga ang Senado at House of Representatives upang talakayin ang hinihiling ni Pangulong Duterte na palawigin ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drion, inaasahang abutin ng buong maghapon ang joint session kaya apek­tado ang pagtalakay ng Senado sa panukalang pambansang budget para sa 2019.

Sinabi pa ni Drilon na imposible ng maipasa ng Senado ang panukalang budget dahil sa kakula­ngan sa oras. 

Idinagdag ni Drilon na hindi kaagad matatapos ang pagtalakay sa budget dahil huli na ito ng isumite ng House sa Senado.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi nila maaring ituloy ang pagtalakay sa budget hangga’t may joint session ang Kongreso.

“We have to wait for the joint session to end for us to adjourn, and go back here (Senate), to start session, ang problema ang House kung marami silang explanation of votes ang mangyayari hindi kami makakapag-umpisa dito until we adjourn,” sabi ni Zubiri.

Inaasahan naman na pagbibigyan ng Kongreso ang hinihinging extension ng Pangulo.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with