^

Bansa

Trillanes nagpiyansa

Doris Franche, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Trillanes nagpiyansa
Sen. Trillanes

MANILA, Philippines — Nagpiyansa kahapon sa Pasay City Regional Trial Court  (RTC) Branch 118 si Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay ng apat na counts ng libel na isinampa laban sa kanya nina Presidential Son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Z. Duterte at bayaw na si Atty. Mans Carpio.

Alas-10:30 kahapon ng umaga nang dumating si Trillanes sa sala ni Pasay City RTC, Branch 118, Pre­siding Judge Rowena Nieves kasama ang kanyang abogado na si Atty. Rey Robles.

Halagang P24,000 para sa apat na counts ng libel o kabuuang P96,000 ang inilagak ng senador, batay sa inirekomendang bail ng Davao City RTC Branch 54.

Nag-ugat ang kaso ni Trillanes dahil sa mga alegasyon nitong korupsyon at pangingikil umano ng da­ting Davao City Vice Mayor na si Duterte at bayaw nitong si Carpio.

Samantala, kailangan pa ring maghain ng mos­yon sa Davao Regional Trial Court ni Trillanes para makalabas ng bansa.

Ayon  sa DOJ, walang garantiya ang pagpi-piyansa ni Trillanes sa mga kaso nitong libelo sa Davao RTC para matuloy ang kanyang biyahe sa ibang bansa bukas.

Tulad ng ginawa ni Trillanes sa Makati RTC Branch 150, kailangan niya ring maghain ng mosyon sa Davao RTC para magpaalam na bibiyahe siya sa ibang bansa.

Sa Makati RTC Branch 150, nakapagpiyansa si Trillanes para sa kasong rebelyon at naghain din siya ng mosyon para magpaalam na makabiyahe sa Europa at Amerika.

Dahil may kasong kriminal din syang kinakaharap sa Davao RTC Branch 54, kailangan pa rin nyang hilingin sa hukom na payagan siyang makabiyahe abroad.

Pero ayon sa DOJ, sa oras na maghain ng mos­yon para makabiyahe sa ibang bansa si Trillanes ay nakatakda rin nilang igiit sa korte ang pagiging “travel risk” ng senador dahil sa mga kasong kinakaharap nito sa ibat-ibang korte sa bansa.

Si Trillanes ay nakatakdang bumiyahe bukas hanggang January 12, 2019 at mula January 27 hanggang February 10, 2019.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with