^

Bansa

Free College tiniyak ng CHED

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Free College tiniyak ng CHED

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkalampag ni Sen. Bam Aquino, maglalabas na ang Commission on Higher Education (CHED) ng memorandum na nagbabawal sa state universities and colleges (SUCs) na mangolekta ng mandatory fees.

Sa kanyang pag-usisa sa budget hearing ng CHED, nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Bam sa posibilidadad na mangolekta ng miscellaneous at iba pang mandatory fees ang mga SUC sa mga estudyante, sa kabila ng pagbabawal nito sa ilalim ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

“Sa pag-iikot natin sa mga SUC, nalalaman naming may balak pa ang ilan na mangolekta ng miscellaneous fees,” wika ni Bam.

Iginiit ni Sen. Bam na dapat pakinabangan nang buo ng mga estudyante at ng kanilang pamilya ang batas upang kayanin nila ang pang-araw-araw na gastusin sa harap ng mataas na presyo ng pagkain at iba pang bilihin.

Bilang sagot, pumayag si CHED chairman Prospero de Vera na maglabas ng draft memorandum na maglilinaw sa SUCs na walang dapat bayaran ang mga estudyante na kahit isang sentimo para makapag-enrol sa SUC, LUC o TESDA-run TVI.

vuukle comment

BAM AQUINO

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with