^

Bansa

Martial Law extension sa Mindanao, 6 buwan lang

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Martial Law extension sa  Mindanao, 6 buwan lang
Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, naging kuwestiyon sa isinagawang security briefing kahapon kung maaring mas mahaba ang ekstensiyon ng Martial Law kaysa sa termino ng mga mambabatas na magkakaloob nito.

MANILA, Philippines — Posibleng anim na buwan lamang palalawigin ang umiiral na Martial Law sa Mindanao dahil magtatapos na ang termino ng mga mambabatas na mag-aapruba nito sa Hunyo 30, 2019.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, naging kuwestiyon sa isinagawang security briefing kahapon kung maaring mas mahaba ang ekstensiyon ng Martial Law kaysa sa termino ng mga mambabatas na magkakaloob nito.

Nangako naman umano ang mga security officials sa mga senador na kaya na nilang wasakin ang Abu Sayyaf sa loob ng isang taon at mababawasan din ang puwersa ng New People’s Army.

Ayon kay Recto, dahil magtatapos na ang kasaluku­yang 17th Congress sa June 30, maaring ang susunod na anim na buwan ay ipagkaloob ng susunod na Kongreso.

Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Aquilino Pimentel III na hindi isyu kung anim na buwan o isang taon ang ekstensiyon. Pero kung palalawigin aniya ang Martial Law, ay dapat ibigay ang hinihinging period ng Malacañang.

Nakasaad sa liham ng Malacañang ang patuloy na terror threat sa bansa kaya sa pamamagitan ni Executive Sec. Salvador Medialdea ay sumulat sila kay Senate President Sotto at Speaker Gloria Arroyo para palawigin pa sa ikatlong pagkakataon ang ML sa Mindanao mula Dec. 31, 2018 hanggang Dec. 31, 2019.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with