^

Bansa

NCRPO bigong maaresto si Trillanes

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NCRPO bigong maaresto si Trillanes
Ito ay matapos na kumpirmahin ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar na hawak na nila ang warrant of arrest para kay Trillanes sa apat na bilang ng kasong libelo na isinampa ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa Branch 54 ng Davao City Regional Trial Court laban sa mambabatas.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nabigo ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na maaresto si Senador Antonio “Sonny” Trillanes kaugnay ng warrant of arrests na ipi­nalabas ng isang korte sa Davao City kaugnay ng kasong libelo nang igiit sa kanila na hindi ito maaaring arestuhin dahil sa “immunity” sa naturang sitwasyon.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar na hawak na nila ang warrant of arrest para kay Trillanes sa apat na bilang ng kasong libelo na isinampa ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa Branch 54 ng Davao City Regional Trial Court laban sa mambabatas.

Nagtungo sa Senado sa Pasay City ang mga tauhan ng NCRPO at nakipag-ugnayan sa Sgt. at Arms ng Mataas na Kapulungan ngunit wala sa gusali ang senador.

“Gaya ng napaulat sa media, iginiit ni Trillanes ang kanyang pribilehiyo sa ilalim ng Konstitusyon na hindi siya maaaring arestuhin hangga’t nasa sesyon ang Kongreso,” sabi ni Eleazar.

Nakasaad sa pro­bis­yon ng Article VI Section 11 ng 1987 Philippine Constitution, na “A Senator or Member of the House of Representatives shall, in all offenses punishable by not more than six years imprisonment, be privileged from arrest while the Congress is in session.” 

“Dahil dito, sinabi ng aming legal office sa NCRPO na dapat kaming tumalima sa Konstitusyon,” paliwanag ng heneral.

Handa naman umano ang NCRPO na ila­gay sa kustodiya ang Senador tulad ng sinabi niya upang magpiyansa sa korte ngayong Lunes.

Nag-ugat ang kasong libelo dahil sa akusasyon ni Trillanes sa nakababatang Du­terte na sangkot umano ito sa pagpupuslit ng bilyun-bilyong halaga ng shabu sa bansa at pangongotong sa “ride-sharing firm” na Uber.

“Ako ay naniniwala na bukas mareresolba natin ito dahil gaya rin ng parating ng kanyang kampo, aayusin niya itong kaso na ito initially through posting of bail tomorrow sa anumang korte na gusto niya dito sa Metro Manila,” dagdag pa ni Eleazar.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with