^

Bansa

300 inmates napalaya ng SC justice on wheels

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
300 inmates napalaya ng SC justice on wheels
Ayon kay Court Ad­ministrator at Supreme Court spokesman Midas Marquez, sa loob lamang ng isang araw ay naiproseso ng EJOW ang mga kaso ng nasa 300 preso sa magkakasabay na pagdinig.

MANILA, Philippines — Napalaya na ang nasa 300 bilanggo ng Northern Cotabato District Jail  sa Kidapawan City sa pamamagitan ng “Enhanced Justice on Wheels Program” (EJOW) ng Korte Suprema na isinagawa noong Biyernes (Dis­yembre 7).

Ayon kay Court Ad­ministrator at Supreme Court spokesman Midas Marquez, sa loob lamang ng isang araw ay naiproseso ng EJOW ang mga kaso ng nasa 300 preso sa magkakasabay na pagdinig.

Ani pa ni Marquez, ang EJOW na may programa para sa buong bansa ay tutungo sa ibat-ibang lalawigan bilang pagtugon sa direktiba ni Chief Justice Lucas Bersamin na madaliin ang pagresolba sa mga  mababang korte para mabawasan ang siksikang mga piitan sa bansa.

Ipinagmalaki ng EJOW na umabot na sa 12,000 bilanggo ang napalaya matapos maaksyunan ang mga nakabinbing kaso at nakapagresolba na rin ng nasa 10,000 civil cases na sinimulan noong taong 2004.

vuukle comment

INMATES

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with