^

Bansa

Bong Go nilinaw ang LMPCC meet

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ni dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go na hindi siya nanga­ngampanya sa pagdalo  niya sa pulong ng League of Municipalities of the Philippines-Cebu chapter.

Ayon kay Go, dumalo lang siya at naibahagi ang kanyang legislative agenda sakaling palarin siya sa kanyang senatorial bid sa susunod na taon.

Sinabi pa niya  na pinangunahan na niya ang  40 alkalde na miyembro ng liga sa pagsasabing  itago  lang nila sa kanilang sarili ang kanilang saloobin sa kanyang pagkandidato dahil hangad lang niyang maibahagi ang kanyang mga plano sa hinaharap.

Kabilang aniya dito ang patuloy na pagiging tulay sa pangulo, pagpapatayo ng mas maraming Malasakit Center kung saan isa ang Cebu sa mga unang nakapagtatag, pagpapabuti ng medical services lalo at nakita niya kung gaano kakulang ang mga kagamitan para sa mga pampublikong ospital.

Iginiit din ni Go na isusulong niya ang pagkakaroon ng  Department of OFW na tututok sa mga pangangailangan ng mga manggagawang Pinoy sa abroad upang hindi na mahirapan ang mga nagsasakripisyong  lumayo pansamantala sa kanilang pamilya para lamang makapaghanap buhay.

Inihayag din niya ang pagsuporta niya sa sports development sa bansa upang mailayo ang mga kabataan sa mga iligal na gawain tulad ng droga gayundin ang paglaban sa kriminalidad at korapsyon.

Kaugnay nito ay tiniyak ni SAP Bong na isa sa mga una niyang sisiliping batas ang Juvenile law dahil sa pagdami ng mga kabataang ginagamit ng mga kriminalidad  dahil hindi nakukulong ang mga kabataan sa ilalim ng naturang batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with