Joma hinamong umuwi
MANILA, Philippines — Hinamon ng Malacañang si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na umuwi dito sa Pilipinas upang makita niya ang ipinapatupad na independent foreign policy ng Duterte government.
Ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang hamon dahil sa mga kritisismo ni Sison sa policy ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa West Philippine Sea.
Sinabi pa ni Panelo na dapat itigil na ni Sison ang mga propaganda war nito habang nasa exile bagkus ay umuwi ito ng bansa upang makita nito sa kanyang sarili kung paano ipatupad ng gobyerno ang independent foreign policy nito.
- Latest