^

Bansa

Poe topnotcher pa rin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Poe topnotcher pa rin
Nanguna si Poe sa Pulso ng Pilipino pre-poll senatorial survey ng The Center sa pagkuha ng 61 percent (%) sa tinanong na 1, 200 katao samantalang nakopo ng senadora ang RMN survey sa tinanong na 3,382 katao na tinasa ng prestihiyosong Publicus Asia Inc. na pag-aari ng kilalang political analyst na si Malou Tiquia.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Kung ngayon gagawin ang halalan para sa Senado, tiyak na si Senador Grace Poe ang magiging topnotcher base sa resulta ng mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong Nobyembre 12-18, 2018 at Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong Nobyembre 7-17, 2018.

Nanguna si Poe sa Pulso ng Pilipino pre-poll senatorial survey ng The Center sa pagkuha ng 61 percent (%) sa tinanong na 1, 200 katao samantalang nakopo ng senadora ang RMN survey sa tinanong na 3,382 katao na tinasa ng prestihiyosong Publicus Asia Inc. na pag-aari ng kilalang political analyst na si Malou Tiquia.

Nagpasalamat si Poe sa pangunguna sa RMN survey sa natamong 72 % lalo’t marami sa mga tinanong ay tagapakinig mula sa Visayas at Mindanao.

Sinabi naman ng political operator na si Perry Callanta na malinaw na gumagana pa rin ang “FPJ Magic” kay Poe kaya lagi itong nangunguna sa mga survey.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with