^

Bansa

‘I-rollback ang tax sa petrolyo!’ – Bam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�I-rollback ang tax sa petrolyo!� � Bam
“Magandang balita na kumikilos na ang Kamara para maitama ang ilang probisyon sa TRAIN Law na dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin,” wika ni Sen. Aquino.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni Senador Bam Aquino ang hakbang ng Kamara na simulang talakayin ang mga panukalang nagbabasura sa excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at umaasang susunod ang Senado at kikilos para sa tuluyang pag-alis nito.

“Magandang balita na kumikilos na ang Kamara para maitama ang ilang probisyon sa TRAIN Law na dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin,” wika ni Sen. Aquino.

Umaasa siya na sisimulan na rin ng Senado ang pagtalakay sa kanyang Bawas Presyo sa Petrolyo Bill at sa Joint Resolution No. 15 ng minorya, na kapwa naglalayong suspindihin ang excise tax sa ilalim ng TRAIN Law at itakda ang rollback ng buwis sa antas noong December 31, 2017.

Sinabi ni Sen. Bam na mahalagang maisabatas ang mga nasabing panukala kasunod ng desisyon ng pamahalaan na ipatupad ang pangongolekta ng excise tax sa langis sa 2019 matapos sabihin na balak nila itong ipatigil.

vuukle comment

TRAIN LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with