^

Bansa

Botohan pinalawig

Sheila Crisostomo - Pilipino Star Ngayon
Botohan pinalawig
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, layunin ng naturang hakbang na pagbigyan ang mga botante. Sa maximum anya, bawat vote counting machine ay nakakatanggap ng 1,000 botante “kaya tinataya naming magkakaroon ng mahabang pagpila.”
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipinasya ng Commission on Elections na palawigin nang isang oras o mula alas-6:00 ng  umaga hanggang alas-6:00 ng gabi ang botohan sa halalan sa Mayo 2019.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, layunin ng naturang hakbang na pagbigyan ang mga botante. Sa maximum anya, bawat vote counting machine ay nakakatanggap ng 1,000 botante “kaya tinataya naming magkakaroon ng mahabang pagpila.”

“Noong 2016, kokonti ang mga botante.  Mayroong 58 milyon noon pero, sa susunod na taon, tinatayang aabot sa 61 milyon ang botante at kahalintulad na bilang ng makina,” sabi ni Jimenez sa isang panayam.

Sa Comelec Resolution No. 10460, ang botohan ay idaraos mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi. Sa halalan noong 2016, ito ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

JAMES JIMENEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with