^

Bansa

Bong Go sa supporters: Sundin ang batas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bong Go sa supporters: Sundin ang batas
Ginawa ni Bong Go ang panawagan sa kanyang mga supporters at taga-suporta ni Pangulong Duterte matapos mayroong mga tarpaulin na nakakabit sa mga pampublikong lugar tulad sa Silay City.

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ni senatorial aspirant at dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa kanyang mga supporters na dapat sundin ang batas na umiiral.

Ginawa ni Bong Go ang panawagan sa kanyang mga supporters at taga-suporta ni Pangulong Duterte matapos mayroong mga tarpaulin na nakakabit sa mga pampublikong lugar tulad sa Silay City.

“Hindi ko po alam sino talaga ang nagkabit. Sa mga supporters ko at ni Pangulong Duterte, I am truly grateful for your initiative and support. Ang pakiusap ko lang, sundin natin ang mga ordinansa ng ating local leaders,” pakiusap ni Go sa kanyang mga supporters.

Aniya, walang exempted sa ilalim ng batas kaya dapat lamang sundin ito ng mamamayan maging ang supporters nila ni Pangulong Duterte lalo sa pagkakabit ng mga tarpaulin.

“As a word of advice to our supporters, ilagay na lang nila sa mga bahay o private properties bilang parte ito ng karapatan nilang ipahayag ang sarili nila. Mas mabuti pa, huwag ninyo ako unahin.  Itulong na lang ninyo sa kapwa o ipambili nalang ng plywood para sa mga nasunugan yung gagastusin ninyo para diyan,” dagdag pa ni Go.

“I would also like to thank Mayor Mark Golez of Silay City for being fair in implementing the law and for being supportive to me and the president. Nabalitaan ko na siya rin mismo ang nagpakabit ng tarp sa private property niya to express his support. Maraming salamat po,” dagdag pakiusap ni Kuyang Bong Go.  

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with