^

Bansa

2 araw para sa plebesito sa Bangsamoro Organic Law

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 araw para sa plebesito  sa Bangsamoro Organic Law
Nasa 99 na petitions for inclusion in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nakabinbin at nakatakda nilang desisyunan, ayon sa Comelec.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dalawang magkahiwalay na araw ang nakatakda para sa isasagawang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law.

Gagawin ito sa E­nero 21 at Pebrero 6, 2019 batay sa inisyung iskedyul ng Commission on Elections (Comelec).

Sa Enero 21, ang plebisito sa geographical areas na bumubuo sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), gayundin ang Isabela City sa Basilan, at Cotabato City.

Sa Pebrero 6 naman ay para sa mga lugar kung saan ang mga local government ay humiling na mapasama sila sa plebesito o di kaya naman ay ang 10 porsiyento ng rehistradong botante ang humiling.

Kinabibilangan ito ng Lanao Del Norte, maliban lang sa Iligan City, at mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, at Pigkawayan sa North Cotabato.

Nasa 99 na petitions for inclusion in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nakabinbin at nakatakda nilang desisyunan, ayon sa Comelec.

vuukle comment

BANGSAMORO ORGANIC LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with