^

Bansa

2 kongresista may bilyong ‘pork’ – Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2 kongresista may bilyong �pork� � Lacson
Bagaman at hindi pi­nangalanan, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na P2.4 bilyon ang inilaan sa mga proyekto ng isang congresswoman samantalang P1.9 bilyon naman sa isang congressman.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Dalawang mambabatas ang nabigyan umano ng karagdagang P2.4 bil­yon at P1.9 bilyon sa P3.757 tril­yon national budget.

Bagaman at hindi pi­nangalanan, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na P2.4 bilyon ang inilaan sa mga proyekto ng isang congresswoman samantalang P1.9 bilyon naman sa isang congressman.

Kinuwestiyon ni Lacson si Sen. Loren Legarda, chair ng Senate Committee on Finance, kung pork barrel ba ang mga isiningit na pondo.

“Now my question is, is this pork or not? Is that pork or pork?” ani Lacson.

Sinabi naman ni Legarda na may karapatan ang mga mambabatas na maglipat at magtanggal ng pondo sa panukala dahil sila ang may tinatawag na “power of the purse”.

Nang sabihin ni Lacson na ang karagdagang pondo ay hindi para sa mga ahensiya kung hindi para sa mga distrito ng mga mambabatas, tinanong ni Legarda kung sino ang mga mambabatas dahil sa tatlong dekada niyang mambabatas wala siyang farm to market roads na pondo.

Sabi ni Lacson, may 69 farm to market roads na proyekto ang congresswoman na aabot sa P500 milyon.

“It’s all there. Naroon sa document. Makikita naman kung saang district. Kayo na lang tumingin,” sabi ni Lacson.

Ayon pa kay Lacson, ang P500 milyon ay bahagi ng P2.4 bilyon na nakita niyang halaga ng insertions.

Nang tanungin kung si Speaker Arroyo ang tinutukoy ni Lacson, sinabi ng senador na tingnan na lamang ang dokumento at kung sino ang district representatives nito.

Idinagdag ni Lacson na hindi niya maaring sabihin na mismong si Arroyo ang nagsingit ng pondo pero kung sino aniya ang kinatawan ng isang distrito ay siya ang nag-aalaga rito.

Idinagdag din nito na ang isang insertion ay sa Camarines Sur na kinakatawan ni Rep. Rolando Andaya.

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with