^

Bansa

Comelec bukas na sa nais mag-aplay ng gun ban exemption

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Comelec bukas na sa nais mag-aplay ng gun ban exemption
Ayon kay Comelec spokesman James Ji­menez, ang mga kwali­pikadong indibidwal at grupo ay maaaring mag-apply ng certificate of authority mula sa Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CBFSP).
File

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Commission on Elections (Co­melec) na umpisa December 1, 2018 ang aplikasyon para sa exemption sa gun ban sa 2019 midterm election.

Ayon kay Comelec spokesman James Ji­menez, ang mga kwali­pikadong indibidwal at grupo ay maaaring mag-apply ng certificate of authority mula sa Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CBFSP).

Ang mga form at requirement ay dapat na isumite sa CBFSP office na matatagpuan sa Comelec main office sa Intramuros, Maynila hanggang sa deadline nito sa May 29, 2019.

Tatanggap ang CBFSP ng aplikasyon mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ang gun ban ay nakatakdang umpisahan sa January 13, 2019.

Una rito, inilabas ng Comelec ang en banc resolution 10446 kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril at iba pang nakamamatay na armas ang lahat ng sibilyan kahit ang mga nagtataglay ng permit to carry sa labas ng bahay o lugar ng negos­yo nito maliban sa ilang exemption na itinakda ng poll body.

Saklaw din ng batas ang pagbabawal na magbiyahe, magdeliber ng firearms at mga baha­gi nito, mga bala at iba pang components, at pampasabog o ang components nito ng walang awtorisasyon ng Comelec.

Sinumang lalabag sa mga batas na ito ay makakasuhan ng election offense na may katumbas na pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon, disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno at matatanggalan din ng karapatan sa pagboto o ‘suffrage’.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with