^

Bansa

5 college students positibo sa HIV

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
5 college students positibo sa HIV
Ito ang ibinulgar ni Davao City Aids Council (DCAC)-Philippine Red Cross Building Recruitment officer Rizh Abellano kung saan ang naturang mga kaso ay naipaabot na sa Alliance Against Aids (Ala­gad) sa Mindanao para sa counseling at medication.

Nag-donate ng dugo

MANILA, Philippines — Limang college students na blood donor ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV).

Ito ang ibinulgar ni Davao City Aids Council (DCAC)-Philippine Red Cross Building Recruitment officer Rizh Abellano kung saan ang naturang mga kaso ay naipaabot na sa Alliance Against Aids (Ala­gad) sa Mindanao para sa counseling at medication.

“One of the qualifications for blood donors is 18 and above so they are mostly college students already,” ayon kay Abellano.

Sinabi ni Abellano na ang mag-donate ng dugo ay hindi nangangahulugan na HIV testing kundi para makapagsalba rin ng buhay kaya lamang ay sinusuri rin ang dugo ng mga donors para malaman kung kontaminado ang kanilang mga dugo.

Samantala, ipinaliwanag ni Reproductive Health and Wellness Center (RHWC) head Jordana Ramiterre na hindi direktang nagbibigay ng resulta ang PRC dahil hindi sila awtorisado na gawin ito.

Hindi naman din umano maaaring gawing testing center ang PRC.

Sinabi pa ni Ramiterre na sa darating na 30th World Aids Day, malalaman ng publiko ang resulta ng HIV infection sa mga nakatalagang centers at hindi sa pamamagitan ng blood donation sa ilalim ng PRC.

Nabatid na nakapagtala ang PRC ng 13 HIV positive sa HIV noong 2017.

vuukle comment

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with