^

Bansa

2nd fuel excise tax sa 2019 inaaral na kung itutuloy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
2nd fuel excise tax sa 2019  inaaral na kung itutuloy
Kamakalawa ay nagpalabas ng joint statement ang mga economic managers ni Pangulong Duterte sa pa­ngunguna nina Finance Sec. Carlos Dominguez at Budget Sec. Benjamin Diokno na nagrerekomenda sa Pangulo na bawiin ang naunang utos na suspindihin ang excise tax sa fuel sa Enero 2019.

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ni Pangulong Duterte ang naging rekomendasyon ng mga economic managers na bawiin na ang naunang suspension ng pangongolekta ng P2 excise tax sa fuel dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo nito sa world market.

Kamakalawa ay nagpalabas ng joint statement ang mga economic managers ni Pangulong Duterte sa pa­ngunguna nina Finance Sec. Carlos Dominguez at Budget Sec. Benjamin Diokno na nagrerekomenda sa Pangulo na bawiin ang naunang utos na suspindihin ang excise tax sa fuel sa Enero 2019.

“The President is studying the [latest] recommendation,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Dominguez na bumaba na ang presyo ng Dubai crude ng 14 percent at nasa $68 na lamang ang presyo kada bariles.

Inaasahang tatalakayin naman sa susunod na linggo sa Cabinet meeting ang nasabing bagong rekomendasyon ng DBCC kay Pangulong Duterte.

vuukle comment

EXCISE TAX

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with