^

Bansa

PNP ‘di aatras sa drug war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP �di aatras sa drug war
Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na ang hatol na guilty laban sa tatlong pulis-Caloocan na umabuso sa tungkulin ay magbibigay halimbawa at magpapaalala sa mga pulis na maging maingat sa pagtupad ng tungkulin sa giyera kontra droga.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi aatras ang Philippine National Police (PNP) sa pursigido nitong anti-drug campaign sa kabila na nahatulang guilty ang tatlong pulis sa lungsod ng Caloocan kaugnay ng pagpatay noong Agosto ng nakalipas na taon sa 17 anyos na biktimang si Kian delos Santos.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na ang hatol na guilty laban sa tatlong pulis-Caloocan na umabuso sa tungkulin ay magbibigay halimbawa at magpapaalala sa mga pulis na maging maingat sa pagtupad ng tungkulin sa giyera kontra droga.

Hinatulan ng korte ng reclusion perpetua sa pagpatay kay delos Santos sina PO3 Arnel Oares, PO1’s Jeremias Pereda at Jerwin Cruz.

Pinagbabayad din ang mga akusado ng P345,000 moral damages sa pamilya ng biktima.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na nirerespeto ng PNP ang ibinabang desisyon ng korte.

Magugunita na simula ng ilunsad ang drug war noong Hulyo 2016 sa pag-upo sa puwesto ni Pa­ngulong Duterte ay nasa 4,999 na ang napaslang na drug pushers base sa data ng PNP.

Halos100 pulis naman ang nagbuwis ng buhay.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with