^

Bansa

‘Ang Probinsyano’ magkakaroon ng pagbabago, ayon kay Poe

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Ang Probinsyano� magkakaroon  ng pagbabago, ayon kay Poe
Ayon kay Poe, malalagpasan din ni Cardo, ang bida sa teleserye na ginagampanan ni Coco Martin, ang mga dinadanas na problema.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ni Senator Grace Poe na magkakaroon ng positibong pagbabago sa ‘Ang Probinsyano’ kung saan mananaig ang katotohanan at mauubos ang mga bandido sa istorya.

Ayon kay Poe, malalagpasan din ni Cardo, ang bida sa teleserye na ginagampanan ni Coco Martin, ang mga dinadanas na problema.                         

Pero itinanggi ni Poe na ang mangyayaring pagbabago ay dahil sa pressure mula sa Philippine National Police na umangal dahil nagiging masama ang imahe nila sa teleserye.

Ayon kay Poe, nagka­taon lamang ang pag-guest ni Coco Martin sa flag raising ceremony ng PNP sa magiging pagbabago pero hindi babaguhin ang ‘Ang Probinsyano’ nang dahil nadiktahan sila.

Sinabi ni Poe na siya mismo na nagbibigay ng lisensiya sa programa ay hindi papayag na mabago ang istorya para lamang may matuwa sa nasa puwesto.

Samantala, okey na kay Department of  Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang teleserye na “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN.

Nagkabati  na ang DILG, PNP at ang producer ng “Ang Probinsyano” makaraang magkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) ang magkabilang panig kahapon.

Aniya patuloy na reres­petuhin ng DILG at PNP ang kalayaan ng television network na gawin at maghatid ng istorya sa programa hangga’t reres­petuhin din nito ang da­ngal at pangalan ng PNP.

Sa ilalim ng MOU, patuloy na papayagan ng PNP ang paggamit ng PNP resources katulad ng patrol cars, venues, personnel, firearms, at iba pang gamit o gadgets na ginagamit sa production ng teleserye.

Sa parte naman ng ABS-CBN, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay patuloy na ilalarawan si Cardo Dalisay bilang police officer na may dedikasyon at integridad na pagsilbihan at protektahan ang publiko na naaangkop sa karakter bilang miyembro ng PNP.  

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with