^

Bansa

P2-B laan sa Iloilo power supply

Pilipino Star Ngayon
P2-B laan sa Iloilo power supply
Ayon sa negosyanteng si Enrique Razon na siyang nasa likod ng More Power, ang lumang mga pasilidad ang siyang dahilan kung bakit nananatiling mataas ang singil ng Panay Electric Company (PECO) at kanila itong papalitan nang makabago at modernong pasilidad na magbibigay daan para walang brownout at mababang singil ng kuryente.

MANILA, Philippines — Maglalaan ang More Power and Electric Company ng P2-B investments para mapabuti ang serbisyo ng pagsu-supply ng kuryente sa Iloilo.

Ayon sa negosyanteng si Enrique Razon na siyang nasa likod ng More Power, ang lumang mga pasilidad ang siyang dahilan kung bakit nananatiling mataas ang singil ng Panay Electric Company (PECO) at kanila itong papalitan nang makabago at modernong pasilidad na magbibigay daan para walang brownout at mababang singil ng kuryente.

Kahapon ay muling umapela ang City Council at mga residente ng Iloilo sa PECO na tanggapin na ang hindi pag-renew ng Kongreso sa kanilang prangkisa at h­ayaan ang maayos na paglilipat ng operasyon sa bagong distribution utility sa ngalan na rin ng mga consumers na matagal nang nagtiis sa kanilang palpak na serbisyo.

“Enough is enough, Mr. PECO. The people have spoken. Congress has spoken. Kayo lang ang hindi nakikinig eh. Tama na, napagbigyan naman na kayo ng 95 years eh,” pahayag ni Iloilo City Council Joshua Alim.

Ayon kay Alim, ngayong araw nakatakdang magbigay ng briefing ang More Power sa konseho para malaman ng lokal na pamahalaan ang mga gagawin nitong hakbang para masiguro na hindi maantala ang supply ng kuryente sa oras na magkaroon ng takeover ng operasyon.

Ani Alim, tiwala rin sila sa nauna nang pangako ng More Power na pagagandahin nito ang serbisyo ng kur­yente na matagal na nilang inaangal sa PECO gayundin ay pabababain ang singil sa kuryente matapos na rin makumpirma sa isinagawang pag-aaral na ang Iloilo City ang may pinakamahal na kuryente sa buong bansa.

vuukle comment

ENRIQUE RAZON

MORE POWER AND ELECTRIC COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with