^

Bansa

P100 milyong, alok kay Mangudadatu para umatras sa kaso

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
P100 milyong, alok kay Mangudadatu para umatras sa kaso
Ito ang ibinunyag ng opisyal kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar kung saan sa kaniya ito sinabi ng gobernador kasabay ng ika-siyam na taong anibersaryo ng malagim na krimen.
File

CEBU, Philippines — Inalok umano si Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu ng halagang P100 milyon para iatras ang kaso kaugnay sa Maguindanao Massacre.

 

Ito ang ibinunyag ng opisyal kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar kung saan sa kaniya ito sinabi ng gobernador kasabay ng ika-siyam na taong anibersaryo ng malagim na krimen.

Sinabi ni Mangudadatu kay Andanar na inialok sa kaniya ang pera pagkatapos lamang maisampa ang mga kasong kriminal laban sa pinaniniwalaang mastermind ng masaker na sina dating Maguinda­nao Gov. Andal Ampatuan Sr. at anak na si Andal Jr.

Kasamang nagtungo ni Andanar sa bayan ng Ampatuan si Usec. Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security.

Sa pamamagitan aniya ng isang tauhang lalaki na kinilala nitong si Ariel Galindez, ipinadala rito ang pera upang ibigay sa kaniya. 

Ngunit matapos niya itong makausap at tanggihan ang alok na pera, ay naaksidente si Galindez na ikinasawi nito. 

vuukle comment

MAGUINDANAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with