^

Bansa

Kongresista, governor pwede nang magkasal

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaari na rin magkasal ang mga kongresista gayundin ang mga gobernador sa sandaling makalusot ang isang panukala sa Kamara.

Ito’y matapos isalang sa deliberasyon ng House committee on revision of laws ang House Bil 5699 na nag­lalayong amyendahan ang Family Code para maisama ang mga kongresista at gobernador sa listahan ng mga indibidwal na may otorisasyon na magkasal.

Nakasaad sa panukala na sa ngayon tanging ang mga Alkalde, miyembro ng Hudikatura, pari o Rabbi ang pinapayagan lamang na magbasbas ng kasal.

Habang sa ilang pagkakataon ay nabibigyan din umano ng otorisasyon na magkasal ang kapitan ng barko, eroplano, consul, vice consul at military commanders.

Subalit sa ngayon ay napapanahon na umanong maisama na rito ang mga kongresista at gobernador para magkaroon ng maraming choice ang mag-partner kung kanino magpapakasal.

Mahalaga umano ito sa kasalukuyan lalo na at dumarami ang common law relationships o live-in o nagsasama ng hindi kasal.

Nilinaw naman sa panukala na ito ay limitado lamang para sa district congressmen at hindi kasama ang mga partylist representatives.

vuukle comment

GOVERNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with