^

Bansa

3 DSWD undersecretaries sinibak

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
3 DSWD undersecretaries sinibak
“Opo. Inaasahan na­ming na magdadala ng sarili niyang team para magbigay ng mas mahusay na serbisyo sa publiko ang bagong kalihim (ng DWSD),” sabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacanang na tatlong undersecretaries ng Department of Social Welfare and Development ang tinanggal nito sa puwesto.

“Opo. Inaasahan na­ming na magdadala ng sarili niyang team para magbigay ng mas mahusay na serbisyo sa publiko ang bagong kalihim (ng DWSD),” sabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Kabilang sa tinanggal ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa puwesto sina ina Usec. Maria Lourdes Turalde-Jarabe ng Promotive Operations and Programs Group; Usec. Hope Hervilla ng Disaster Response Management Group; at Usec. Mae Fe Ancheta-Templa ng Protective Operations and Programs Group.

Nilinaw naman ni Me­dialdea na walang kinalaman ang pagiging maka-kaliwa ng mga ito kaya sinibak sa kanilang puwesto.

Naunang sinabi rin ni Bautista na noong Nob­yembre 14 pa ipinadala ni Medialdea ang notice of termination sa tatlong mga opisyal.

Una nang sinabi ni Pa­ngulong Duterte sa Filipino community sa Papua New Guinea noong Biyernes na may tatanggalin daw itong opisyal ng gobyerno pagbalik nito sa bansa.

“May tinanggal akong miyembro ng Gabinete sa isang Cabinet meeting dahil sa pagsisinungaling. May tinatanong ako sa kanya. Did you consult your legal office? Sabi niya, no. Nag-init ang ulo ko, sabi ko – and since then marami na ako until now and when I go back meron na naman. Talagang tanggalin kita, sorry na lang,” wika naman ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa Filipino community sa Papua New Guinea.

Bago maglingkod sa nasabing mga puwesto, umupo muna bilang secretary general ng grupong Gabriela si Jarabe. Nag­lingkod naman bilang regional chairperson ng Bayan Muna si Hervilla, at kasapi naman si Templa ng Forum of Women for Action with Rody Duterte. Itinalaga sila ni Pangulong Duterte sa puwesto noong taong 2016.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

SALVADOR MEDIALDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with