^

Bansa

Power franchise ‘wag ibigay sa ‘bagito’ - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Power franchise �wag  ibigay sa �bagito� - Digong
“Is it justified? If (PECO) is providing good electricity at gusto mo lang makaagaw ng negosyo, ang sabi ko ay huwag na,” anang Pangulo sa kanyang naging pagbisita sa Palawan noong Nobyembre 10.

MANILA, Philippines — Hindi “pabor” si Pangulong Duterte sa desisyon ng ilang mambabatas na “ibigay” ang prangkisa sa kuryente ng Panay Electric Company (PECO) sa isang bagitong kumpanya para lang “makapang-agaw” ng negosyo.

“Is it justified? If (PECO) is providing good electricity at gusto mo lang makaagaw ng negosyo, ang sabi ko ay huwag na,” anang Pangulo sa kanyang naging pagbisita sa Palawan noong Nobyembre 10.

Ang patutsada ng Pangulo ay patungkol sa desis­yon ng ilang mambabatas na huwag aprubahan ang prangkisa ng PECO at “ibigay” naman ito sa MORE Power, isang bagitong kumpanya na walang karanasan sa negosyo ng kuryente dahil ang negosyo nito ay sa pagmimina.

“If (PECO) can provide everything that the city needs to improve and to develop, then hindi ako makikialam,” dagdag ng Pangulo.

Ang mga tinuran ng Pangulo ay nag-ugat sa problema ng Palawan na dumaranas din ng ilang oras na pagkawala ng kuryente.

Aniya pa, binibigyan niya ng hanggang katapusan ng taon ang mga opisyales ng Palawan na ayusin ang problema ng elektrisidad sa isla bago siya mapilitang makialam at ibigay sa ibang mamumuhunan ang karapatang magsuplay ng kuryente sa Palawan.

Batay naman sa mga datos, umabot lang sa kabuuang 1,550 minuto ang ‘power disruption’ sa ‘franchise area’ ng PECO sa Iloilo sa buong 2017, kumpara sa 11,116 minuto sa nasasakupan ng Palawan Electric Cooperative.

Ikinagalak naman ng mga opisyales at ng PEPOA (Private Electric Plant Operators Association) ang mga pahayag ng Pangulo patungkol sa PECO. 

vuukle comment

PANAY ELECTRIC COMPANY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with