^

Bansa

‘Pagtakbo ng mag-asawang Cayetano walang mali’ - Comelec spokesman

Pilipino Star Ngayon
�Pagtakbo ng mag-asawang Cayetano  walang mali� - Comelec spokesman
Ipinaliwanag ni Jime­nez sa isang panayam sa radyo na walang nilalabag na batas ang mga Cayetano sa kanilang desisyon na tumakbo sa magkahiwalay na distrito basta lamang may patunay na sila ay residente at may tinitira­hang bahay sa mga nasabing distrito kung saan nila napiling tumakbo.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Sinabi ng tagapagsalita ng Commission on Elections na si James Jimenez na walang mali sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary Allan Peter Ca­yetano bilang kongresista sa District 1 ng Taguig at ang asawa nitong si Lani para naman sa District 2.

Ipinaliwanag ni Jime­nez sa isang panayam sa radyo na walang nilalabag na batas ang mga Cayetano sa kanilang desisyon na tumakbo sa magkahiwalay na distrito basta lamang may patunay na sila ay residente at may tinitira­hang bahay sa mga nasabing distrito kung saan nila napiling tumakbo.

Hindi anya usapin kung residente man ng ibang distrito ang asawa ng da­ting kalihim.?

Paliwanag din ni Atty. George Garcia, abogado ng mga Cayetano, walang basehan ang reklamo laban sa mag-asawa dahil malinaw sa batas na puwedeng magkaroon ng maraming tirahan o bahay ang isang tao at walang nilalabag na doktrina sa Supreme Court o election law.

Sinabi pa ng abogado na mababaw masyado ang reklamo laban sa mga Cayetano at sigurado na hindi ito uusad sa korte.

Saad pa ni Garcia, ipinapahintulot sa election law at ng Mataas na Hukuman na ang isang tao ay maaaring magkaroon ng maraming bahay sa magkaparehong panahon.

Si dating Foreign Affairs secretary Cayetano ay tubong Bagumbayan.

“His domicile of origin, ang pinanggalingan niya talaga, is Bagumbayan, District 1, where he is running for a seat in the House of Representatives samantalang si Taguig mayor Lani naman ay nakasaad na ang kanyang domicile ay sa The Fort sa District 2 ng Taguig,” paliwanag pa ng abogado.

Hindi anya ibig sabihin na sa magkaibang domicile ay magkaiba rin ang tirahan ng mag-asawa na nagdagdag na ang conjugal residence ng mga ito ay sa The Fort.

“On May 2019, we will submit to the people’s will. This is what truly matters. This is what only matters,” wika ng mag-asawang Cayetano sa kanilang statement.

vuukle comment

ALAN PETER CA­YETANO

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with