^

Bansa

MILF chief Murad ‘papasukin’ ang Camp Aguinaldo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
MILF chief Murad �papasukin� ang Camp Aguinaldo
Ayon kay Armed For­ces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, ito ang kauna-unahang pagtapak sa headquarters ng AFP ng chairman ng MILF na maituturing na isang kasaysayan ng bansa lalo na ngayon na ang taumbayan ay naglalayon ng pangmatagalang kapayapaan.

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon bibisita si Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Alhaj Murad ngayong araw sa Kampo Aquinaldo.

Ayon kay Armed For­ces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, ito ang kauna-unahang pagtapak sa headquarters ng AFP ng chairman ng MILF na maituturing na isang kasaysayan ng bansa lalo na ngayon na ang taumbayan ay naglalayon ng pangmatagalang kapayapaan.

Paliwanag pa ni Arevalo, ang pagbisita ni Murad ay nangangahulugan lamang ng pagtitiwala at sinseridad ng MILF sa AFP.

Ito rin umano sana ang gawin ng CPP-NPA na nagpapakita ng sinseridad sa peace talks at pagtitiwala sa peace agreement na tulad ng ginagawa ng grupo ni Murad.

Inaasahang pag-uusapan ni Murad at AFP Chief, Gen. Carlito Galvez ang mga areas para sa collaboration ng MILF at AFP na pasukin para sa combat, intelligence at civil operations. 

Hindi naman masiguro ni Arevalo kung kabilang sa pag-uusapan ang mangyayaring plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL ) sa Enero dahil tanging ang Commission on Elections lamang umano ang magdedesisyon kung hanggang saang lebel ang magiging partisipasyon dito ng AFP at maghihintay lamang sila ng order sa kagawaran.

vuukle comment

EDGARD AREVALO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with