^

Bansa

15 Pinoy seaman na inabandona sa India, nakauwi na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
15 Pinoy seaman na inabandona sa India, nakauwi na
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakauwi na sa Pilipinas ang mga seaman nitong nakaraang Sabado habang inaasikaso na ng ahensya ang pagpapa-repatriate sa nalalabing anim na OFW na nasa India pa hanggang ngayon.

MANILA, Philippines — Nakauwi na sa Pilipinas ang 15 sa 21 Pinoy seaman na inabandona ng kanilang mga Greek employers sa bansang India mula pa noong Hunyo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakauwi na sa Pilipinas ang mga seaman nitong nakaraang Sabado habang inaasikaso na ng ahensya ang pagpapa-repatriate sa nalalabing anim na OFW na nasa India pa hanggang ngayon.

“The Embassy in New Delhi and the Consulate General in Chennai worked closely with Indian port authorities and the Admiral Shipping Agency, the local agent in India, for the resolution of the case,” ayon sa pahayag ng DFA.

Habang nasa India at stranded sa Kakinada Port, binigyan umano ng tulong ng embahada ng Pilipinas ang mga seaman ng tulong pinansyal at konsular.

Nakipag-ugnayan na rin ang DFA sa lokal na manning agency na Evic Human Resource Management Inc. para sa pagbabayad ng nalalabing suweldo ng mga seaman at mabigyan ng tulong legal.

Ayon sa DFA, tinata­yang nasa mayorya ng mga seaman na kinukuha sa global shipping industry ngayon na aabot na sa 1.2 milyon ay pawang mga Pilipino.   

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with