ICC hindi kinikilala ng Pangulo
MANILA, Philippines — Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union na lumikha sa International Criminal Court (ICC)
Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Papua New Guinea kung saan dumalo siya sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting, sinabi ng Pangulo na hindi niya kinikilala ang ICC at kinuwestiyon din nito ang mga huwes nito.
Sinabi ng Pangulo na ang ICC ang criminal at international court of justice at nilikha lamang ito ng EU para palawakin ang kanilang “international governance.”
Kinuwestiyon din ng Pangulo kung papaano pinili ang mga judges ng ICC na posibleng nahaluan din umano ng pedophile.
- Latest